MANILA, Philippines - Isang offer sheet mula sa Houston Rockets ang naghihintay. Umalis na ang kanyang longtime Miami teammate na si LeBron James.
At sa isang sandali ay nag-isip si Chris Bosh kung tapos na ang kanyang paglalaro sa Heat.
At nang titigan niya ang kanyang pamilya, ang lahat ay nagkaroon ng linaw.
“We’ve built a life in South Florida and we’re comfortable,” sabi ni Bosh. “So I had to do what’s best now for myself and my family.”
Dahil dito ay naging madali ang pagdedesis-yon ni Bosh. Pipirma si Bosh ng isang $118 million, five-year deal para manatili sa Miami.
Sa pagkawala ni James ay ang boses na ni Bosh ang maghahari sa Heat locker room.
“I can’t lie to you: I’m excited. I’m excited for the challenge,” wika ni Bosh matapos ang break sa kanyang NBA Africa duties. “I want to step up to the challenge. I feel this is a chance to prove to myself and others that I can still do this. I want to see if I can do what’s ne-cessary to go in there and win every night. That’s the challenge of being a leader. It excites me. It’s been a long time and I feel like I’m a much better player and a leader now, so it’ll be fun.”
Si Bosh ang naging lider sa Toronto bago lumipat sa Miami kasama sina James at Dwyane Wade noong 2010.
Ngayon ay si Bosh na ang magiging isa sa highest-paid players sa NBA sa susunod na limang seasons.
“It’s a very different process,” ani Bosh. “But I think I know how to do it.”