Saludar ginulantang ang kalabang Cuban

ALMATY, Kazakhs-tan – Sinamahan ni Rey Saludar si Charly Suarez ng PLDT-ABAP team sa semifinal round ng 4th Kazakhstan President’s Cup.

Ito ay matapos umiskor si Saludar ng isang split decision win laban kay Jorge Luis Cordero Parlay ng Cuba sa mga iskor na 28-27, 28-27, 27-28 pabor sa Philippine Army man.

Nauna nang dinomina ng Cuban si Thai star Chatchai Butdee via unanimous decision kung saan niya pinabagsak ang huli sa second round mula sa left-right combination.

Subalit hindi ito ikinatakot ni Saludar, ang Asian champion, at sa halip ay nakipagsabayan kay Parlay na pinalakpa-kan ng mga manonood sa Baluak Sholan Palace of Culture and Sports.

Sinabi ni Saludar na nagsilbing motibasyon ang kanyang siyam na buwang anak.

Samantala, lalaba-nan naman ni Suarez si Mongolian Otdondalai, habang makakatapat ni Saludar si flyweight Suleimenov ng Kazakhstan sa semifinals match.

Show comments