RIO DE JANEIRO - Kung inaakala ng Brazilians na ang kanilang pagkakasibak sa World Cup ang pinakamasama nilang bangungot, ano pa kaya ang pagpasok ng kanilang karibal na Argentina sa Finals sa sarili nilang balwarte?
Nararamdaman pa ang masaklap na 1-7 pagkatalo sa Germany sa semis, kailangan ngayon ng mga Brazilians na panoorin ang Argentina at ang kanilang superstar na si Lionel Messi na makipaglaban para sa korona sa Maracana Stadium sa Linggo.
Maraming mga Brazilians ang kumampi sa Netherlands para talunin ang kanilang kapitbahay sa South America sa semi-finals.
Ngunit giniba ng Argentina ang mga Dutch, 4-2, sa isang penalty shootout matapos ang 0-0 draw para makaharap ang Germany sa finals.
“Seeing Argentina in the final in our home hurts, especially after the Selecao’s worst ever defeat,” sabi ni Marcio Carneiro da Silva, isang kartero.
Nasa ulap naman ang mga Argentines kung saan sila nagsikantahan sa stadium sa Sao Paulo.
“Reaching the final in Brazil is the best thing that could happen to us, although I would have preferred to beat them in the final,” wika ng truck driver na si Miguel Martin.