MANILA, Philippines - Tinapos ng tambalang Mark Alvarez at Low Profile ang halos dalawang buwang pagkauhaw sa panalo nang kuminang ang takbo sa nilahukang karera noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Ang Low Profile na tumakbo kasama ang coupled entry Maximum Velocity ay nangibabaw sa hamon ng Malaya na kasama ang King Bull na nagtangka na pangunahan ang 1,400-metro karera sa class division 5.
Noon pang Mayo 5 huling nanalo ang tambalan na ginawa sa bakuran ng Manila Jockey Club Inc. at ang naipakita ay inaasahan na magi-ging magandang senyales para sa Low Profile sa inaasahang paglahok uli ng kabayo sa ikatlo at huling yugto ng 2014 Philracom Triple Crown Championship sa Hulyo 27 sa natu-rang race track.
Sumalang sa akyon ang Low Profile sa naunang dalawang leg ng Triple Crown sa MetroTurf Club at Santa Ana Park at tumapos sa pang-anim at pangatlo sa mga distansyang isang milya at 1,800-metro.
Ang Malaya na ginaba-yan ngayon ni JB Guce ay kampeon sa 1st leg Hopeful Stakes winner sa pagdadala ni JB Hernandez.
Sumali ang kabayo sa ikalawang leg ng TC pero nalagay lamang ito sa ikapitong puwesto.