^

PM Sports

Neymar ‘di na makakalaro sa World Cup; Brazil kontra sa Germany sa semifinals

Pang-masa

FORTALEZA Brazil - Ang matulis na free kick ni David Luiz ang sumelyo sa 2-1 tagumpay ng Brazil kon­tra sa Colombia patungo sa semifinal round ng World Cup.

Malaki ang naging kabayaran ng panalo ng Brazil matapos magkaroon ng fractured vertebra ang ka­nilang leading scorer na si Neymar sa dulo ng laro.

Bumagsak si Neymar matapos mabangga sa likod ng tuhod ni Juan Zuniga ng Colombia sa 88th minute.

“It’s a normal action, I tried to shadow him,” de­pen­­sa ni Zuniga. “I was not thinking of hurting him. I was defending my country’s colors.”

Hindi naman seryoso ang nasabing back injury ni Ney­mar.

“It’s not serious in the sense that it doesn’t need surgery, but he’ll need to immobilize it to recover,” sabi ni Brazilian team doctor Rodrigo Lasmar.

“Unfortunately, he’s not going to be able to play (against Germany),” dagdag pa nito.

Lalabanan ng Brazil ang Germany nang wala si Ney­mar.

Tinalo ng Germany ang France, 1-0, sa kanilang quar­terfinal match. 

Bukod kay Neymar, lalabanan din ng Brazil ang Ger­many nang wala si team captain Thiago Silva.

Nakapasok ang Brazil sa Last Four ng World Cup sa unang pagkakataon matapos noong 2002 at ika-11 sa kabuuan hangad ang pang-anim na world title.

Tinalo ng Brazil ang German, 2-0, sa finals noong 2002.

Ang kabiguan naman ng Colombia ang tumapos sa kanilang determinadong kampanya sa World Cup.

Natapos rin ang pagpapakita ni midfield sensation James Rodriguez sa pamamagitan ng anim na goals.

Nabigo ang Colombia na talunin ang Brazil sa ka­nilang 13 paghaharap sapul noong 1991.

 

BRAZIL

DAVID LUIZ

JAMES RODRIGUEZ

JUAN ZUNIGA

LAST FOUR

NEYMAR

RODRIGO LASMAR

SHY

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with