Irving binigyan ng Cavs ng maximum contract

MANILA, Philippines - Walang ibang pupuntahan si Kyrie Irving.

Matapos kumalat ang balitang gusto na niyang umalis sa Cleveland, nag-tweet sina Irving at Cavaliers owner Dan Gilbert nitong Martes ng umaga na nagkasundo na sila sa terms ng bagong five-year contract extension.

Ngunit walang sinabing detalye ang magkabilang kampo ngunit may mga balitang ito ay maximum deal na nagkakahalaga ng $90 million para manatili siya sa Cleveland ng anim na taon.

“Looking forward to the next 6 years of (at)KyrieIrving in CLE,’’ tweet ni Gilbert. “Just shook hands (and) intend to sign on the 10th. Can’t be more excited about (at)cavs.’’

 

Show comments