RIO DE JANEIRO — May Lionel Messi pa rin ang World Cup pero uuwi na si Tim Howard kahit na maganda ang ipinamalas niyang pagbabantay sa goal.
Naging susi si Messi para sa goal ni Angel Di Maria sa 118th minute tungo sa 1-0 panalo ng Argentina kontra sa Switzerland sa Sao Paulo, Brazil matapos ang extra time sa Round of 16 nitong Martes.
Si Messi ang nag-set up ng pampanalong goal para kay Di Maria patungo sa huling dalawang minuto ng extra-time.
Ang strike ni Di Maria matapos ang counter-attack na inilunsad ni Messi ang tumapos ng mahigpit na labanan na inaasahan na ng marami na hahantong sa penalties.
Naisubi ng Argentina captain na si Messi ang kanyang ikaapat na man-of-the-match award sa gayun ding dami ng laro matapos isalbang muli ang kanyang koponan sa Corinthians Arena.
Ang impresibong pagpigil ni Ho-ward sa mga pagtatangka ng kalaban ay hindi nakatulong para malasap ng mga Americans ang 2-1 pagkatalo sa extra-time kontra sa pinaborang Belgium sa larong naging kapana-panabik sa dakong huli.
Hindi pinalusot ng beteranong goal-keeper ang halos lahat ng 27-tira ng mga kalaban ngunit nalusutan siya nina Kevin De Bruyne sa 93rd at substitute na si Romelu Lukaku sa 105th.
“He had an absolutely amazing match tonight and you just have to give him the biggest compliments in the world,” sabi ni U.S. coach Jurgen Klinsmannd.
Sunod na kalaban ng Argentina ang Belgium sa quarterfinals nitong Biyernes sa Brazilla pero mauuna rito ang laban ng France vs. Germany sa Maracana Stadium sa Rio de Janeiro.
Ito ang unang pagkakataon na lalaro ang Belgium sa quarterfinals ng World Cup matapos ang 28-taon.