LA Clippers ini-waive si Willie green

LOS ANGELES -- Ini-waive ng Los Angeles Clippers si reserve guard Willie Green nitong Linggo.

Nag-average siya ng 5.0 points, 1.4 rebounds at 15.8 minutes sa 55 games noong nakaraang season, sa siyam na beses na pagiging starter.

Unang pumirma si Green sa Clippers, dalawang taon na ang nakakaraan at lumaro ng 127 regular-season games.

Nakalaro na siya sa 4-teams sa 11 NBA seasons.

 

Show comments