NEW YORK — Hinirang ng Cleveland Cavaliers si Canadian cager Andrew Wiggins ng University of Kansas bilang No. 1 overall pick.
Ito ang ikalawang pagkakataon na napasakamay ng Cleveland ang top overall selection sa NBA draft matapos kunin si Anthony Bennett noong nakaraang taon.
Hindi naitago ni Wiggins, nakasuot ng itim na tu-xedo jacket na may outing floral pattern, ang kanyang kasiyahan.
“A thousand thoughts are going through my head right now,” sabi ni Wiggins. “It’s a dream come true.”
Nagkaroon si Bennett, isa ring Canadian, ng injury noong nakaraang season at wala sa kondisyon nang makuha ng Cavaliers.
Ngunit mas handa si Wiggins na maglaro sa NBA kumpara kay Benneth matapos magtala ng average na 17.1 points.
Siya ang naging best option ng Cavaliers matapos magkaroon si Joel Embiid ng stress fracture sa kanyang kanang paa bago ang draft.
Isinuot ni Wiggins ang maroon na sombrero ngCleveland, niyakap ang kanyang mga supporters at umakyat sa stage para kamayan si Commissioner Adam Silver, inihayag ang first round sa unang pagkakataon matapos palitan si David Stern.
Sumunod na tinawag ni Silver ang Milwaukee na kumuha kay Duke forward Jabari Parker, pinasinu-ngalingan na wala siya sa kondisyon nang sumali sa workout ng Cleveland.
Ilan ang nagkunsidera sa kanya bilang isang NBA-ready player matapos ang isang All-American season para sa Blue Devils.
“I’m just very optimistic,” sabi ni Parker. “If it was 1, 2, put me at 60, just getting that opportunity, getting that chance of being in the NBA.”
Napili naman si Embiid bilang No. 3 overall pick ng Philadelphia na sinuportahan ng mga fans ng 76ers pati ni Philadelphia guard Michael Carter-Williams, ang 2013 Rookie of the Year.
Ang 76ers ay may dalawang top-10 picks at maaaring gustong subukan si Embiid, ang big man na nakita lamang sa isang season para sa Kansas dahil sa kanyang problema sa likod.
Ngunit matapos magkaroon ng foot injury sa workouts ay hindi siya pinili ng Cleveland at Milwaukee.
“He worked so hard,” ani Wiggins kay Embiid. “He didn’t let nothing get to him. He always stayed motiva-ted. So I’m just proud. It’s a proud moment for Kansas.”
Hinirang naman ng Orlando bilang fourth pick si Arizona forward Aaron Gordon kasunod si Australian guard Dante Exum para sa Utah.
Hinugot ng Boston Celtics si Oklahoma State guard Marcus Smart, habang pinili ng Los Angeles Lakers bilang No. 7 si Kentucky forward Julius Randle.