Itabla ang serye target ng Texters
MANILA, Philippines - Matapos pigilan ang pagwalis sa kanila ng nagdedepensang San Mig Coffee ay pipilitin naman ng Talk ‘N Text na makatabla sa kanilang best-of-five semifinals series.
“Right now I have no idea what I’ll be thinking for Game 4. I just hope we could catch them off night,†sabi ni head coach Norman Black matapos kunin ng kanyang Tropang Texters ang 112-86 panalo sa Mixers sa Game Three noong Lunes.
Nakadikit sa 1-2 agwat sa kanilang serye, sisikapin ng Talk ‘N Text na makatabla sa San Mig Coffee sa Game Four ngayong alas-8 ng gabi sa 2014 PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Ipinoste ng Mixers ang 2-0 bentahe sa kanilang serye matapos angkinin ang Game One via overtime, 92-88 at ang Game Two, 93-85, para makalapit sa kanilang ikaapat na sunod na finals stint.
Sa panalo sa Game Three ay nakakuha ng balanseng opensiba si Black.
Kumamada si Ranidel De Ocampo ng 24 points kasunod ang 14 ni Jayson Castro, 13 ni Danny Seigle, 12 ni import Paul Harris, 11 ni Jimmy Alapag at 10 ni Elmer Espi-ritu para sa pagresbak ng Tropang Texters.
Naglista ang Talk’ N Text ng kabuuang 30 assists kumpara sa 18 ng San Mig Coffee bukod pa sa kanilang 14-of-32 shooting clip sa three-point range.
Umiskor naman si import Marqus Blakely ng 8 points at seven rebounds sa loob ng 27 minuto para sa Mixers.
Ang panalo ng San Mig Coffee sa Game Four ang tuluyan nang magpapasok sa kanila sa pang-27th finals appearance at nasa linya para sa hangaring PBA Grand Slam. (RCadayona)
- Latest