^

PM Sports

Neymar nagbida uli sa panalo ng Brazil

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sumandal ang Brazil sa kanilang star player na si Neymar para sa dalawang maagang goals upang igupo ang Cameroon, 4-1 para makarating sa World Cup knockout stage na nagtakda sa South American showdown laban sa Chile, lumasap ng 2-0 pagkatalo sa Ne-therlands.

Matapos pangunahan ang Group B sa kanilang ikalawang sunod na panalo, naiwanan ng Dutch team ang maagang pakikipagbanggaan sa host team kaya makakaharap nila ang Mexico na nanalo sa Croatia, 3-1 upang umusad kasama ang Brazil sa Group A.

Tinalo ng Spain ang Australia, 3-0 sa labanan ng mga sibak nang koponan na isang konsuwelo  para sa kanilang nakakadismayang pagdedepensa ng titulo.

Parehong tumapos ang Brazil at Mexico na may 7-puntos habang nasibak ang Croatia sa kanilang 3-points at tumapos ang Cameroon na may tatlong talo. Nanguna ang Brazil dahil sa kanilang mas mataas na goal differential sa Mexico, 5-3.

Ang Netherlands ang unang walang talong team na umusad dahil mas mataas ang tinapos nila sa Chile sa Group B.

Ang Spain ay may tatlong puntos sa kanilang panalo nitong Lunes at ang Australia ay may tatlong talo.

Si Neymar uli ang nagdala sa Brazil sa kanyang impresibong spin moves at mahusay na paglusot sa mga kalaban na kinagiliwan ng crowd sa Brasilia na kinabibilangan ni Prince Harry ng Britain.

ANG NETHERLANDS

ANG SPAIN

CROATIA

GROUP A

GROUP B

KANILANG

PRINCE HARRY

SI NEYMAR

SOUTH AMERICAN

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with