MANILA, Philippines - Tinalo nina Fil-Am Treat Conrad Huey at Brit Dominic Inglot ang nagÂÂdedepensang sina AleÂxander Peya ng Austria at Bruno Soares ng BraÂzil sa pamamagitan ng 7-5, 5-7, 10-8 panalo para pagÂharian ang doubles event ng Aegon InternaÂtional sa Eastbourne, Great Britain.
Nauna nang sinibak ng tambalang Huey-Inglot ang wild card pair niÂna Colin Fleming at Ross Hutchins ng Great BriÂtain, 7-6 (2), 6-3, na ipinagpaliban noong Huwebes dahil sa kadiliman.
Ito ang unang kamÂpeoÂnato nina Huey at IngÂlot sa grass court.
Nakatakdang lumahok sina Huey at Inglot sa Wimbledon sa susunod na linggo para sa kanilang piÂnapangarap na kauna-unahang Grand Slam title.
Sa quarterfinals ay piÂnatalsik nina Huey at InÂglot sina second seed Aisam Qureshi ng PakisÂtan at Leander Paes ng InÂdia, 6-4, 6-3, bago isiÂnuÂnod sina Brit Jaime MurÂray at Aussie John Peers, 6-3, 7-6 (4), sa round-of-16.