Marquez tuluyan nang hindi itatapat kay Manny Pacquiao
MANILA, Philippines - Talagang wala nang kaÂtiyakan na maitatakda ang pang-limang paghaÂhaÂrap nina Manny Pacquiao at Juan Manuel MarÂquez ngayong taon.
Kung lalaban si Pacquiao sa Nobyebre sa Macau, China ay posibleng sa Setyembre o Oktubre naÂman muling makita sa aksyon si Marquez sa MeÂxico.
Sinabi ni Fernando BelÂtran ng Zanfer Promotions na itatampok nila ang 40-anyos na si Marquez sa isang boxing card sa Mexico.
Huling sumabak si MarÂquez noong Mayo kung saan niya tinalo si dating world light welterÂweight titlist Mike AlvaÂrado via unanimous decision.
Ang pangalan ni Marquez ang unang inilagay ni Bob Arum ng Top Rank Promotions sa listahan ng mga potensyal na lalabaÂnan ng 35-anyos na si PacÂquiao sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.
Ngunit iginiit nina BelÂtran at chief trainer Ignacio Beristain na hindi na nila ilalaban si Marquez kay Pacquiao sa pang-liÂmang pagkakataon.
Sinabi nina Betran at BeÂristain na gusto nilang manatili sa alaala ng mga boxing fans ang ginawang pagpapatumba ni Marquez kay Pacquiao sa sixth round sa kanilang ikaapat na pagtatagpo noong DisÂyembre 8, 2012.
Samantala, umaasa naÂman si dating world title-holder Amir Khan na maisasama rin ang kanÂyang pangalan sa mga poÂÂsibleng makalaban ni PacÂÂquiao.
“I am looking at the likes of Marquez and ManÂny Pacquiao and Floyd Mayweather - they are the big names and that is where I belong fighÂting the top guys,†wika ni Khan sa panayam ng Ringside.
“There are talks about Manny Pacquiao happeÂning in the future - may be next. So I have left my team, Al Hayman and my team Khan Promotions to do everything,†dagdag pa ng dating sparmate ni Pacquiao.
- Latest