^

PM Sports

Brazil, Korea napahirapan

Pang-masa

RIO DE JANEIRO – Nabigo ang paboritong Brazil na igupo ang Mexi-co sa unang pagkakataon sa World Cup matapos mauwi sa 0-0 draw ang kanilang laban nitong Martes sa kanilang ikalawang laro sa Group A.

Ang Belgium na long shot  para manalo ng titulo ay nahirapan ding talunin ang Algeria ngunit nakaasa sa bench para manalo sa 2-1 sa Belo Horizonte.

Sa mainit na Cuiaba, ang match na match na laban  ng Russia at South Korea na naging kapanapanabik na back and forth contest ay natapos din sa draw, 1-1.

Puro substitute ang umiskor ng goal nitong Martes na nagpapatunay  na walang ‘easy games’ sa torneo at mahalaga na nagkaroon ng Plan B.

Nakalaro na ngayon ang lahat ng 32 teams. Ang Netherlands at Germany ang mga naging standout na koponan.

Kabilang sa 60,342 fans na nanood sa Brazil game ay si Los Angeles Lakers Star Kobe Bryant at malaking sorpresang hindi nakaiskor ng goal ang Brazil sa northeastern City ng Fortaleza.

Kung nahirapan ang mga goal scorers sa mga laro nitong Martes, ito ay dahil naging epektibo ang mga goal keepers ng bawat team.

 

ANG BELGIUM

ANG NETHERLANDS

BELO HORIZONTE

CUIABA

FORTALEZA

GROUP A

LOS ANGELES LAKERS STAR KOBE BRYANT

PLAN B

SOUTH KOREA

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with