MIAMI – Sa kanilang kaÂbiguan sa Miami Heat sa NBA Finals noong naÂkaraang taon ay halos maÂpaiyak si Tim Duncan habang nagkukuwento kung gaÂano kalapit ang San AnÂtonio Spurs na makuha ang koÂrona.
Hawak ang 3-1 kalaÂmaÂngan sa NBA Finals ngaÂÂyong season at nagtaÂtaglay ng maÂÂayos na fieldÂgoal shooting, magÂbaÂbalik ang Spurs sa San Antonio para sa tsansang wakasan ang serye at bawian ang Heat sa Linggo sa Game 5.
Inangkin ng Spurs ang ang huling dalawang laro sa Miami at may matinding shooting 54.2 percent shooting sa kanilang championship series.
Ang NBA Finals record para sa isang serye ay 52.7 percent.
Wala pang koponang naÂkakabangon mula sa 1-3 pagkakabaon sa NBA FiÂnals.
Sinabi ni Duncan na ang masaklap na alaala sa kaÂnilang kabiguan noong nakaraang season ay magbabalik bago ang araw ng Linggo.
“As I said, we know the caliber team they are, and we have a lot of resÂpect for what they’re able to do,†wika ni Duncan. “They’re able to throw it anoÂther gear and they’re going to do just that. They don’t want this to be done.â€
Maliban kay Duncan, muling sasandigan ng San Antonio sa Game 5 sina Tony Parker, Manu Ginobili at Kawhi Leonard.
Nagposte si LeÂonard ng career-high na 29 points sa kanilang panalo sa Game 3 bago humakot ng 20 points at 14 rebounds sa Game 4 noong HuÂwebes.
Maaasahan rin ng Spurs si veteran forward BoÂris Diaw, hindi kaÂsama sa starting lineup sa Game 1 at 2 ngunit huÂmakot ng 8 points, 9 reÂbounds at 9 assists sa Game 4.
Ang teamwork ang naÂÂging panlaban ng San AnÂÂtonio sa Miami, sumasandal kay LeBron James. sa kaÂnilang serye.
“I just think we’re plaÂying Spurs basketball,†saÂÂÂbi ni Parker. “We’re just moÂving the ball and we’re just playing the way we’ve been playing all season. We’d like to do a `good to great,’ the extra pass, and we preach that, and right now we’re clicking.â€
Ang ikaapat na panalo noong nakaraang NBA FiÂnals ang hindi nakuha ng San Antonio.
“I mean, every closeout game is very difficult, for all the obvious reaÂsons,†wika ni Spurs head coach Gregg Popovich.