Pinay booters pasok sa semis

MANILA, Philippines - Hindi pinaporma ng Phi­lippine team ang Cambodia, 5-0, para dominahin ang Group A at makapasok sa semifinals ng AFC Under-14 Girls Re­gio­nal Championship para sa Asean region sa Ho Chi Minh City.

Binuksan ng Pinay boo­ters ang torneo mula sa 6-0 paggiba sa Singapore kasunod ang 1-0 upset laban sa Vietnam.

Nagtapos na ikaapat na puwesto noong 2013, asam ng koponan ang finals berth sa pagsagupa sa Myanmar, ang No. 2 team sa Group B.

Haharapin naman ng Thailand, ang top team sa Group B, ang host Vietnam sa semis.

 

Show comments