Raiders vs Flying Spikers
MANILA, Philippines - Asahan ang maalab na tagisan sa panig ng RC Cola-Air Force Raiders at AirAsia Flying Spikers na siyang natatanging laro sa women’s division sa 2014 PLDT Home-Philippine SuperLiga (PSL) All-Fi-lipino Conference volleyball tournament ngayon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Sa ganap na ika-2 ng hapon magsisimula ang laro at ang mananalo ay agad na makakabangon matapos lumasap ng kauna-unahang pagkatalo sa ligang inorganisa ng Sports Core at handog ng PLDT Home DSL.
“Kailangang gumanda ang reception namin,†wika ni Raiders coach Clarence Esteban na nakitang maputol ang franchise-best start na 3-0 sa 22-25, 13-25, 24-26, straight sets pagkatalo sa Petron HD Spikers noong Linggo.
Ito ang ikatlong dikit na panalo ng Petron sa pagdadala ni Dindin Santiago para pangunahan ang pitong koponang liga.
Wala namang dominanteng manlalaro ang expansion team na Air-Asia pero hindi puwedeng biruin ng Raiders ito dahil gusto rin nilang bumangon matapos malasap ang 20-25, 25-23, 20-25, 15-25 pagkatalo sa two-conference champion Generika-Army.
Sa men’s division, ang Systema ay magtatangka na sundan ang unang panalo na naiposte kontra sa IEM dakong alas-4 ng hapon habang ikaapat na sunod na panalo ang nais ng PLDT-Air Force laban sa wala pang panalong Via Mare dakong alas-6. (AT)
- Latest