Biseng Bise panalo sa 3-Yr Old Special Race

MANILA, Philippines - Naipakita muli ng Biseng Bise ang galing sa pag­tak­bo nang manalo sa 3-Year Old Special Race noong Biyernes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

 Mahusay na inilabas ni Mark Alvarez ang sakay na kabayo para makahabol sa Marinx at Rock Sha­dow na naunang nagbakbakan sa liderato sa kaagahan ng 1,300-metrong karera.

Sa far turn ay three-horse race na ang nangyari pe­ro sa rekta ay bumitaw na ang Rock Shadow ni Val Di­lema para maiwan ang Marinx ni Jessie Guce at Bi­seng Bise na magsukatan.

Pero naiuna ni Alvarez ang ulo ng kabayo sa hu­ling 50-metro at napangalagaan ang katiting na kala­ma­ngan para manalo sa katunggali.

Ikalawang sunod na panalo ito ng Biseng Bise pe­ro una sa buwan ng Hunyo, habang nakabawi naman ang Marinx sa pangpitong puwestong pagtatapos sa hu­ling karerang sinalihan.

Ang Macho Machine ni Fernando Raquel Jr. ang si­yang napaboran matapos manalo sa huling dala­wang takbo pero hindi nakasabay ang tambalan at na­kuntento sa pang-limang puwesto.

Naghatid ang win ng P19.50, habang ang 6-2 forecast ay nagpasok ng P55.50 dibidendo.

Isa pang kabayo na nakabawi sa pangit na takbo sa huling karerang sinalihan ay ang Square Deal sa pagdadala pa rin ni NK Ca­lingasan.

Nalagay sa ika-10 pu­westo sa huling takbo, kon­disyon ngayon ang Square Deal sa nilahukang 3YO Handicap Race 2 karera sa 1,300-metro dis­tansya matapos pangunahan ito ng tambalan.

Ang Maximum Velo­city na hawak ni LT Cuadra Jr. ang siyang pa­bo­rito sa 11 kabayo na nag­laban, kasama ang isang coupled entries, pe­ro wala sa kondisyon ang ka­bayong nanalo noong Hunyo 1 at tumapos lamang sa pang-apat na pu­westo.

Ang Sea Hawk ni Ro­deo Fernandez ang pu­ma­ngalawa sa dati­ngan pa­ra mapasaya ang mga ka­rerista dahil pumalo sa P1,050.50 ang 10-2 forecast, habang ang win ay mayroong P21.50 na ipi­namahagi.

 

Show comments