^

PM Sports

Spurs nakapagpahinga na may home court advantage pa

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nang matapos ang nakaraang NBA Finals, naiwang nakangiti si San Antonio coach Gregg Popovich.

Ang unang ipinag-utos ni Popovich matapos ang pagtunog ng final buzzer noong nakaraang season sa Miami ay yakapin sina Erik Spoelstra, LeBron James at Dwyane Wade at binati ang lahat matapos talunin ng Heat ang Spurs sa Game 7 sa isa sa pinakadramatikong championship series sa league history.

Ang pakiramdam ng kabiguan ay naramdaman ng ilang buwan ng San Antonio.

Ngunit ngayon, ang dream scenario para sa San Antonio ay duma-ting na.

Nitong Huwebes, haharap ang Spurs sa rematch sa NBA Finals laban sa isang koponan na tanging tumalo sa kanila sa championship series.

Tangan ng San Antonio ang home-court advantage at kung magkakaroon ng Game 7 ay magdadala ng bentahe ang Spurs.

Ang lahat ng kaila-ngan ng San Antonio ay nasa kanila ngayon.

“We know what we’re going against,’’ sabi ni Spurs guard Tony Parker, na nagsabi ring mataas ang respeto niya sa nagawa ng Heat sa loob ng apat na taon. “It’s a great challenge.’’

Maraming bagay na may kalamangan ang San Antonio.

Una, habang ang lahat ay maganda ang inilalaro sa kanilang mga home game, nagdomina ang Spurs sa San Antonio kung saan sila nanalo ng 103 beses sa huling 123 games.

Sa nakaraang apat na seasons, ang Spurs ay may 25-5 record.

At higit sa lahat, nagkaroon ng mahabang pagkakataon si  Parker na ipahinga ang kanyang nananakit na left ankle bago sumalang sa  Game 1.

ANTONIO

DWYANE WADE

ERIK SPOELSTRA

GREGG POPOVICH

MARAMING

NITONG HUWEBES

SAN

SAN ANTONIO

TONY PARKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with