Parker umaasang makakalaro sa Game 1

MANILA, Philippines - Sa kabila ng isang sprained ankle, umaasa pa rin si San Antonio Spurs guard Tony Parker na makakapaglaro siya sa Game 1 ng NBA Finals sa Huwebes, sabi ng league sources sa Yahoo Sports.

Si Parker ay nakahanda nang maglaro sa Game 1, wika ng dalawang sources na may kaalaman sa kondisyon ng All-Star guard.

Pagagalingin ni Parker ang kanyang sprain sa mga susunod na araw para sa kanilang Finals rematch ng Miami Heat.

Ang ankle injury ang siyang nakaapekto sa paglalaro ni Parker simula sa Game 4 ng Western Conference finals at sinubukang ilaro ito sa Game 6 bago naupo sa second half sa pananaig ng Spurs sa Oklahoma City Thunder.

Nagtala si Parker ng mga averages na 17.8 points at 5 assists sa paglalaro sa playoffs.

Bagama’t nawala si Parker, napa-natili ng Spurs ang kanilang porma sa second half at sa overtime tampok ang paglalaro nina Cory Joseph at Manu Ginobili bilang point guard para ta--lunin ang Thunder.

 

Show comments