NEW YORK – Magdaraos ang NBA ng regular-season games sa Mexico City at London na bahagi ng kanilang extended global schedule para sa susunod na season.
Maglalaban ang Houston Rockets at Minnesota Timberwolves sa Mexico City Arena sa Nov. 12. Haharapin ng Milwaukee Bucks ang New York Knicks sa The O2 sa Jan. 15.
Ang dalawang regu-lar-season games ay susunod sa NBA global preseason games sa October na katatampukan ng limang teams - Brooklyn, Cleveland, Miami, Sacramento at San Antonio na lalaro ng ilang games sa Brazil, China, Germany at Turkey.
‘’These regular-season games will bring the excitement and incredible competition of our league to more fans in Europe and Latin America.’’ sabi ni NBA Commissioner Adam sa bahay niya sa Malibu noong Linggo.