MANILA, Philippines - Matapos maisuko ang itinayong 17-point lead sa third period ay nakabalik sa kanilang porma ang Batang Pier para kunin ang kanilang unang panaÂlo.
Nagtuwang sina balik-import Leroy Hickerson, Jay Washington, Jewel PonÂferada at rookie Terrence Romeo sa fourth quarÂter para ihatid ang GloÂbalport sa 95-91 panalo laban sa Alaska sa 2014 PBA Governors’ Cup kaÂgabi sa Smart Araneta CoÂliseum.
Tumapos si Hickerson na may 25 points kasunod ang 24 ni Cabagnot, ang 16 dito ay kanyang iniskor sa first half.
Mula sa 24-22 abante sa Aces sa first period ay piÂnalaki ng Batang Pier ang kanilang kalamangan sa 14 points, 48-34, sa halfÂtime.
Inilista ng Globalport ang pinakamalaki nilang benÂtahe sa 17 points, 53-36, sa 9:51 ng third period bago nakadikit ang AlasÂka sa 60-61 sa huling 1:46 nito.
Muling nakalayo ang Batang Pier sa 89-78 sa 2:01 ng final canto hanggang makalapit ang Aces sa 91-94 sa natitirang 11.8 seÂgundo. (RCadayona)
GLOBALPORT 95 - Hickerson 25, Cabagnot 24, Romeo 18, Washington 13, Garcia 8, Ponferada 4, Macapagal 2, Matias 1, Taha 0, Menk 0, Hayes 0, Salvador 0.
Alaska 91 - Walker 22, Casio 16, Espinas 14, Abueva 14, Baguio 8, Jazul 6, Hontiveros 5, Manuel 4, Thoss 2.
Quarterscores: 24-22; 48-34; 66-62; 95-91.