Mark Jackson kasama na sa ESPN commentators

NEW YORK -- Nakipagkasundo si Golden State Warriors coach Mark Jackson para sa isang multiyear deal at makasama sa lead NBA announcing team ng ESPN.

Nakatakdang simulan ni Jackson ang kanyang trabaho sa Eastern Conference Finals at sa NBA Finals kasama sina Mike Breen at Jeff Van Gundy.

Sina Jackson, Breen at Van Gundy ang nag-commentator sa NBA Finals noong 2011.

Mula sa TV ay kinuha ni Jackson ang coaching job sa Golden State at iginiya ang Warriors sa playoffs sa nakaraang dalawang seasons.

Ngunit sinibak siya ng Golden State nang magposte ng 51-31 win loss record at mapatalsik ng Los Angeles Clippers sa first round.

Kinuha ng Warriors si Steve Kerr, isa ring analyst na walang coaching experience.

Naglaro si Jackson ng 17 seasons sa NBA at ika-apat sa career list sa kanyang 10,334 assists.

 

Show comments