NU, FEU mag-uunahan sa 1-0 lead

MANILA, Philippines - Parehong may mala­la­kas na attackers ang Na­tional University at ang Far Eastern University.

Kaya para manalo sa best-of-three championship series sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference ay dapat kakitaan ang dalawang ko­ponan ng matibay na de­pensa.

“Solid ang FEU kung attacks ang pag-uusapan kaya kailangang ma­ging matibay ang depensa na­min,” wika ni Lady Bulldogs’ coach Ariel dela Cruz, hanap na madepensahan ang titulong hawak sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Ang Game One ay iti­nakda sa ikalawang laro ngayong alas-4 ng hapon at ang Lady Tamaraws ay aasa rin sa magandang floor defense para ma­ipagpatuloy ang paggawa ng kasaysayan sa ligang may ayuda ng Mikasa, Ac­cel at Lion Tiger Mos­qui­to Coil.

“Kailangang paghandaan ang lahat ng dapat pag­handaan lalo na ang mag­kapatid na Dindin at Jaja Santiago na talagang nagdadala sa kanilang ko­ponan,” ani FEU coach Shaq Delos Santos.

Ito ang unang pagka­kataon na nasa Finals ang Lady Tamaraws at ibi­nabandera sila ng mahu­husay na guest players na sina Rachelle Ann Daquis at Jovelyn Gonzaga.

Ang naibibigay na ti­bay ay nakakahawa sa ibang inaasahan tulad ni­na Bernadette Pons, Mary Remy Palma, Genevieve Casugod, Yna Papa at libero Christine Agno.

Bukod naman sa mag­kapatid na Santiago, sina Carmin Aganon at Myla Pablo ay aasahan sa pag-atake, habang ang setting ay ipagkakatiwala sa beteranang si Ruby De Leon katuwang si Jen Re­yes.

Susi para sa Lady Bull­dogs ang ipakikita ni Rizza Mandapat na diamante sa bench ng NU da­hil siya ang pumalit sa puwestong iniwan ni Aiko Urdas na nagkaroon ng left knee injury.

Unang magpapang-abot ang UST Tigresses at Adamson Lady Falcons para sa battle-for-third place na inilagay din sa best-of-three series.

Show comments