^

PM Sports

Former athletes kumuha ng ginto

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naipakita ng mga datihang national players na sina Narcisa Atienza, Rosie Villarito at Katherine Santos na sila pa rin ang reyna sa kanilang mga events sa pag­sisimula ng athletics event ng 2014 Philippine Na­tional Games (PNG) kahapon sa Philsports Track Oval sa Pasig City.

Naalpasan ni Atienza ang bar sa 1.70 metro pa­ra ta­lunin sina Joeann Bermudo ng Philippine Air Force-A (1.60m) at Charrie Catanan ng PLDT (1.58m).

Ang 2009 Laos SEA Games gold medalist sa ja­velin throw na si Villarito ay nakapagtala ng pinakamalayong tapon sa 48.55m para sa gintong medalya.

Malayong pumangalawa si Evalyn Palabrica ng PAF-A na may 39.66m, habang si Jenelyn Arle ng UP ang pumangatlo sa kanyang 38.11m marka.

“Masaya ako dahil naabot ko ang bronze medal mark sa Myanmar SEA Games na 48.34m at puwedeng tumaas ang allowance na tinatanggap ko ngayon sa PSC na P8,000.00 dahil non-medalist ako. Pero nalulungkot din ako dahil wala pa rin nakikitang makakapalit ko,” wika ni Villarito.

Si Santos, isang bronze medalist sa 2011 Indonesia SEA Games sa long jump, ay nakalundag ng 5.87m.

Mababa ito sa kanyang 6.25m marka sa Indonesia pero sapat para ungusan sina national pool members Felyn Dolloso ng DLSU-Dasmariñas at Singaporean jumper Jannah Nurul na may 5.39m at 5.13m marka.

Ang kompetisyong inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) katuwang ang Philippine Olympic Committee (POC) at mga National Sports As­sociations (NSAs) ay bukas sa lahat ng atleta para masukat kung tunay na pinakamahuhusay ang mga nasa national team na sinusuportahan ng PSC.

Humataw na rin ang aksyon sa iba pang sports sa 2014 PNG na suportado ng Summit Natural Drinking Water, Forever Rich Philippines, Bala Energy Drink, Milo at Standard Insurance. (ATan)

CHARRIE CATANAN

DRINKING WATER

EVALYN PALABRICA

FELYN DOLLOSO

FOREVER RICH PHILIPPINES

JANNAH NURUL

JENELYN ARLE

JOEANN BERMUDO

KATHERINE SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with