NBA top seeds maghaharap sa finals

OKLAHOMA CITY — Nagbalik na sa normal ang postseason.

Kagaya ng inaasahan ay nakapasok ang mga top seeds sa Eastern at Wes­tern sa conference fi­nals.

Ang two-time defen­ding champion na Miami ang naging pinakadominante sa postseason dahil isang beses lamang si­lang natalo, habang hirap na hi­rap naman ang top-seeded na Indiana Pacers sa pag-abante para sa kanilang East finals rematch ng Heat.

Magsisimula ang East finals sa Linggo kung sa­an lalabanan ng Pacers ang Heat sa Indianapolis.

Hindi na sikreto ang pagkagigil ng Indiana na maayos ang kanilang rematch ng Miami matapos matalo sa Game 7 noong na­karaang Eastern Conference Finals.

Puntirya ng Heat, mu­ling pamumunuan ni four-time MVP LeBron James, ang kanilang ikatlong sunod na korona.

Naglista si James ng mga averages na 30 points at 7.1 rebounds sa play­offs para banderahan ang Miami.

Napuwersa naman ang San Antonio Spurs sa Game 7 bago sibakin ang Dallas Mavericks sa first round at talunin ang Portland Trail Blazers sa Game 5 para umabante sa Western Conference Fi­nals.

Nakabawi ang Okla­ho­ma City Thunder mula sa 2-3 pagkakaiwan para resbakan ang Memphis Grizzles kasunod ang ka­nilang six-game series kon­tra sa Los Angeles Clip­pers.

Ang Western Confe­rence Finals ay magsisi­mu­la sa Lunes sa pagitan ng Thunder at Spurs.

Tinalo na ng Thunder ang Spurs, 4-2, noong 2012 West finals.

Show comments