CLEVELAND – Sa pakiramdam ni Cavaliers owner Dan Gilbert, nagkamali siya nang kanyang sibakin si Mike Brown bilang coach noong 2010.
Pero ginawa niya uli ito.
Natapos ang ikalawang pagkakataon ni Brown sa Cavs nitong Lunes dahil makaraan lamang ang isang season nang sibakin ni Gilbert ang tanging Cleveland coach na nakarating sa NBA finals, ay nasibak na naman ito.
Nire-hire si Brown noong April ni Gilbert na nagsisi nang sibakin niya ito.
Bagama’t nag-improve ang record ng Cavs at gumanda ang kanilang depensa sa ilalim ni Brown ngayong season, hindi na naman umabot ang team sa playoffs kaya nagdesisyon si Gilbert na kailangan uli ng pagbabago.
“This is a very tough business,’’ sabi ni Gilbert sa statement. “It pains all of us here that we needed to make the difficult decision of releasing Mike Brown. Mike worked hard over this last season to move our team in the right direction. Although, there was some progress from our finish over the few prior seasons, we believe we need to head in a different direction. We wish Mike and his family nothing but the best.’’
Bukod sa pagsibak kay Brown, inihayag ni Gilbert na mananatili si David Griffin bilang full-time general ma-nager. Si Griffin ang interim GM mula pa noong Feb. 6, nang sibakin ni Gilbert si Chris Grant isang araw matapos matalo ang Cavs sa Los Angeles Lakers team na tumapos sa laro na may limang eligible players lamang.