Adamson, NU lumapit sa Finals

MANILA, Philippines - Nakitaan ng tiyaga ang Adamson, habang ang angking tangkad ang inilabas ng nagdedepensang National University para manalo sa kanilang mga katunggali sa semifinal round ng Shakey’s V-League Season 11 First Conference kahapon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Nagkapit-kamay sina Sheila Pineda, Pau Soria­no at Patcharee Sangmu­ang upang makabangon ang Lady Falcons mula sa 22-24 iskor sa ikatlong set at dagitin ang 1-0 abante sa kanilang best-of-three series ng FEU mula sa 19-25,  22-25, 26-24, 25-15, 15-12 panalo.

Si Pineda ay may 21 kills tungo sa 22 puntos, ha­bang 19 attacks at 21 puntos ang inilista ni Sang­muang.

Hindi nagpahuli si So­riano na may 12 puntos.

Naghatid ng 19 digs si Pineda para katampukan ang matibay na depensa ng Lady Falcons na luma­pit sa isang panalo patu­ngo sa Finals sa ligang inor­ganisa ng Sports Vi­sion katuwang ang Sha­key’s.

May 24 puntos si Jovelyn Gonzaga at 16 ang hatid ni Rachelle Ann Daquis.

Sina Dindin at Jaja San­tiago ang namuno pa­ra sa Lady Bulldogs sa 25-20, 25-23, 22-25, 25-22 tagumpay laban sa  UST Tigresses para ma­muro na makabalik sa championship round sa ligang may basbas pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.

 

Show comments