MANILA, Philippines - Muling gumawa ng record ang horse racing nang naitala ang pinakamalaking weekly total sales sa dinaos na karera mula Abril 21 hanggang 27.
Mga Philracom RaÂcing Festivals ang naÂging tampok na karera sa nasabing pitong araw na karera pero tinangkilik ito ng bayang karerista matapos ang P179.4 milÂyon sales nito.
Ang naitalang kita ay pinakamataas sa loob ng dalawang taon at ang nakaÂhigit lamang dito ay ang pakarera sa ikatlong linggo noong Disyembre 2013 dahil sa idinaos na malalaking stakes races.
Pero kapansin-Âpansin din na ang agwat ng sales sa ikatlong linggo ng DisÂyembre at noong Abril ay wala pang isang milyong piso kaya’t masasabing mas maganda pa rin ang kinita noong nakaraang buwan dahil walang stakes race na isinagawa rito.
Ang P179.4 milyon sales sa pitong araw na karera ay higit sa naiposteng P170 milyon na naiposte sa ganitong dami ng araw ng pangangarera noong Marso 31 hanggang Abril 6.
Lumalabas na ang pinakamalaking sales sa isang six-day racing ay nasa P163.5 milyon na naitala mula Marso 18 hanggang 23.
Bunga ng magagandang sales na ito, lalabas na ang weekly average sales mula Disyembre 2013 hanggang Abril 2014 ay nasa P158.4 milyon.
Ito ay malayo kung ikukumpara sa ganitong buwan sa huling dalawang buwan dahil nasa P149.5m ang aveÂrage sales noong 2013 at P144.8 milyon noong 2012.
Nakikita rin ng pamuÂnuan ng Philracom sa pangunguna nina chairman Angel Castano Jr. at commissioner/executive director Jess Cantos na hindi mararamdaman ang sinasabing mahinang kita sa horse racing kapag buwan ng Abril dahil sa magandang pagtangkilik ng mga mananaya.
Nauna nang iniulat ng Philracom ang pagtaas ng kita ng halos 8.34 percent mula Enero hanggang Marso.
Tinuran ng PhilraÂcom sa dahilan ng palaÂkas ng palakas na hakot ng horse racing ay ang pagkakaroon ngayon ng maraÂming classes o grupo na puweÂdeng salihan ng mga pangaÂrerang kabayo bukod pa sa pinagandang paÂpremyo na nakakaengÂganyo sa mga horse owÂners.
Bunga ng mga reporma na ito, hindi malayong higitan ng 2014 ang kabuÂuang kinita ng 2013 na nasa P7.78 bilyon. (AT)