MANILA, Philippines - Muling sasamahan ni Abbie Maraño ang kanyang mga kakampi sa La Salle sa kanilang pagbangon mula sa kabiguan sa Ateneo sa nakaraang UAAP Finals noong Marso.
Babanderahan ni Marano-- isang two-time UAAP Most Valuable Player -- ang kampanya ng Lady Archers sa pagkatawan nila sa Air Asia sa darating na Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Mayo 16 sa Cuneta Astrodome.
Hinugot si Marano bilang second overall sa Draft pool isang buwan matapos ang kabiguan ng Lady Archers sa UAAP.
Naniniwala si sports patron Mikee Romero sa kakayahan ng Lady Archers para sa kanyang Air Asia team, tatawagin sa PSL bilang Flying Spi-kers, na ikinukunsidera na kaagad na isang championship caliber team na maaaring humamon sa two-conference cham-pion Philippine Army.
Ang Lady Troopers ay suportado naman ng Generika Drugstore.
“I did not and will not lose faith in this team (Flying Spikers),†deklarasyon ni Romero, kinahuhumalingan din ang basketball, shooting, polo at golf.
Sinabi naman ni Erick Erejola, ang kinatawan ng Air Asia sa PSL, na ang pagsali sa PSL All-Filipino Conference ang makakatulong sa pagbabalik ng kumpiyansa ng Lady Archers, tatlong sunod na taon na nama-yagpag sa UAAP bago gulatin ng Lady Eagles.
“That experience will further motivate the Air Asia team to prove its worth in a club league setting,†ani Arejola. “Air Asia will represent top notch volleyball action as we are tops in service in our industry.â€
Ngunit katatakutan pa rin ang Lady Troopers, nagkampeon sa Invitational tournament at sa Grand Prix ng PSL.
Tinitingnan din ang Cignal na dalawang beses natalo sa Army sa nasabing dalawang torneong sinuportahan ng Misaka, Asics, Jinling Sports, Mueller at Healthway Medical Services.