MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni three-time world cham-pion Nonito Donaire, Jr. na kumpiyansa siyang ta-talunin niya si WBA ‘super’ featherweight champion Simpiwe Vetyeka ng South Africa sa kanilang paghaharap sa Mayo 31 sa Cotai Arena sa Macau.
Ngunit inamin din niyang hindi ito magiging madali.
“Vetyeka is difficult to fight,†ani Donaire. “He’s a little taller than me, a bit awkward. I’ve watched some of his fights on tape and I notice he likes to go lateral then while moving side to side, throws a right or a left unexpectedly. He has good footwork but he’s not hard to hit. I’ll find him.â€
Dumating ang 31-an-yos na si Donaire sa Manila mula sa Las Vegas dalawang buwan na ang nakakalipas kasama ang asawang si Rachel at 9-buwang anak na si Jarel.
Ipinagpaliban niya ang kanyang training para gumawa ng dokumentar-yo ukol sa Manny Pacquiao-Timothy Bradley fight sa Wowow network sa Japan kasama sina da-ting world titlists Tsuyoshi Hamada at Toshiaki Nishioka at Hall of Fame matchmaker Joe Koizumi noong Abril 12.
Nang dumating si Donaire sa Manila ay nagtungo siya sa Cebu kasama ang kanyang pamilya at ipinagpatuloy ang pagsasanay sa ilalim ng kanyang amang si Nonito, Sr. sa ALA Gym.
Nanatili si Donaire sa Cebu ng dalawang linggo at bumalik sa Manila noong nakaraang linggo.
Magpapatuloy siya ng kanyang training sa Elorde Gym sa Sucat bago siya magtungo sa Macau sa Mayo 24.
“I’m on track to make weight,†wika ni Donaire. “I’m down to 135 now from 145 and there are three weeks to go before the fight to make 126.â€
Sa Cebu ay nakipag-spar si Donaire ng halos 20 rounds kay Cuban lightweight Reymi Castellano Aleye at nakasama sa pagsasanay si California-based Nick Curson ng Speed of Sport training center.