SANTA. CRUZ, Laguna , Philippines – Sa ikalawang pagkakataon ay bumasag uli si Bryan Jay Pacheco ng Aurora Province ng record sa Palarong Pambansa.
Naghagis ang 17-anyos na si Pacheco ng bagong markang 15.32 metro sa secondary boys’ shot put para burahin ang 2012 mark na 13.90m ni Richa Jey Cabanyug ng Region VI sa 2014 Pa-larong Pambansa dito sa Laguna Sports Complex.
“Hinubad ko na ‘yung sapatos ko after ng fourth throw ko kasi mas presko kapag nakapaa ka lang,†sabi ng six-footer na si Pacheco, dating basketball player na lumipat sa athletics kung saan naniniwala siyang mapapabilang sa national team, sa pagpoposte niya ng bagong record at pag-angkin sa gintong medalya.
Tinalo ni Pacheco para sa gold medal sina Ronmols Andaya (14.46m) ng Zamboanga Peninsula at Wendell Llames (14.07m) ng CALABARZON nmatapos ang kanyang performance na sumira sa dating record ni Cabanyug.
Nauna nang binura ni Pacheco, ang ama ay isang tricyle driver at ang ina ay isang grocery helper, ang 2012 mark na 51.51m ni Danilo Abarra ng Ilocos Region sa javelin throw para sa kanyang bagong 57.81m sa Palarong Pambansa noong 2013 sa Dumaguete City.
Samantala, pitong gintong medalya ang pag-aagawan ngayong araw-- secondary boys’ javelin throw at 3,000-meter steeplechase, sa secondary girls’ long jump, shot put at triple jump, sa elementary boys’ discuss throw at elementary girls’ triple jump.
Sa chess, dalawang gintong medalya ang isinulong ni Chris Adritz Pondoyo ng Central Visayas sa ele-mentary boys individual at team blitz events kung saan niya nakatuwang si Jeremy Tanudra.
Nakatakda namang pakawalan ngayon ang kabuuang 16 gold medals sa pagsisimula ng swimming event.
Ang mga ito ay sa secondary boys’ at girls’ 400m freestyle, 100m backstroke, 200m butterfly at 4x50m medley at sa elementary boys’at girls’ 200m freestyle, 100m backstroke, 50m butterfly, 200m butterfly at sa 4x50m medley.
Ang iba pang events na sisimulan ngayong araw ay ang taekwondo, archery, arnis, boxing at gymnastics.