Tinapos na ng Miami, Sinibak ang Charlotte, 4-0
CHARLOTTE, North Carolina – Napakinggan ni LeBron James ang pag-iingay ng mga fans habang nakahiga sa court na hawak ang kanyang kanang hita at namimilipit sa sakit.
Tila ito ang gumising sa four-time league MVP.
Umiskor si James ng 19 sa kanyang game-high na 31 points matapos ang nasabing eksena sa third quarter para tulungan ang Miami Heat na makamit ang first-round sweep kontra sa Charlotte Bobcats, 109-98, sa Game 4.
“It’s definitely sore,†sabi ni James. “I’m fortunate we were able to close out tonight and I can give it a little rest.â€
Hihintayin ng two-time defending NBA champions ang mananalo sa Brooklyn-Toronto series na kasalukuyang tabla sa 2-2.
Nagdagdag si Chris Bosh ng 17 points at may 15 si Dwyane Wade para sa Miami na pinalawig ang kanilang winning streak laban sa Bobcats sa 20 games. May 16-2 record ngayon ang Heat sa first-round games sapul nang dumating si James sa Miami noong 2010.
Ito ang ikalawang sunod na taon na winalis ng Heat ang kanilang first-round series matapos sibakin ang Milwaukee Bucks noong nakaraang season.
Sa Indianapolis, kumamada si Mike Scott ng 17 points sa arangkada ng Atlanta Hawks sa se-cond quarter para talunin ang Pacers, 107-97 at kunin ang 3-2 bentahe sa kanilang serye.
Kailangan na lamang manalo ang Hawks sa kanilang home court para makapasok sa second round sa unang pagkaka-taon matapos noong 2011.
Sa Dallas, nagsalpak si Boris Diaw ng go-ahead 3-pointer para tumapos na may 17 points, habang nagtala si Manu Ginobili ng 23 markers para igiya ang top-seeded na Spurs sa 93-89 tagumpay laban sa Mavericks at itabla sa 2-2 ang kanilang serye.
- Latest