Indiana, Dallas, Oklahoma nalo rin Miami 3-0 na vs Bobcats
CHARLOTTE, N.C. -- Kumolekta si LeBron James ng 30 points at 10 rebounds para sa 98-85 panalo ng Miami Heat sa Bobcats at sikwatin ang malaking 3-0 bentahe sa kanilang Eastern Confe-rence first round playoffs.
Maaaring tapusin ng Heat ang kanilang best-of-seven series ng Bobcats sa Lunes sa Game 4
Nagdagdag si Dwyane Wade ng 17 points para sa Miami.
Naglista si James ng 10 of 18 fieldgoal shooting at itinala ang kanyang 18-0 record laban sa Bobcats sapul nang lumipat sa Heat noong 2010.
Ito naman ang ika-19 sunod na tagumpay ng Miami kontra sa Charlotte.
Ibinigay ni Mario Chalmers sa Miami ang 42-40 bentahe mula sa kanyang 3-pointer, habang nagsalpak si Norris Cole ng isang 5-foot bank shot at isang tres para sa 16-4 ratsada ng Miami.
Tumipa si Al Jefferson ng 20 points, ang 15 dito ay kanyang ginawa sa first quarter, para sa Bobcats na hangad pa rin ang kanilang unang postseason win sa franchise history.
Sa Atlanta, nagsalpak sina Paul George at David West ng importanteng tres para igiya ang top-seed na Indiana Pacers sa 91-88 panalo laban sa Atlanta Hawks para itabla sa 2-2 ang kanilang serye.
Inilagay ni George ang Pacers sa 86-85 abante sa kanyang tres kasunod ang 3-pointer din ni West sa huling 1:33 minuto ng laro.
Sa pagtanggap ng masamang pasa ng All-Star forward sa huling 33 segundo ay tumalbog naman ang kanyang spinning shot.
Nakatakda ang Game 5 sa Lunes sa Indianapolis.
Sa Dallas, tumipa si Vince Carter ng isang double-pump 3-pointer sa pagtunog ng final buzzer para ihatid ang Dallas Mave-ricks sa 109-108 tagumpay laban sa San Antonio Spurs at kunin ang 2-1 bentahe sa kanilang serye.
Sa natitirang 1.7 segundo ay kinuha ni Carter ang inbound pass mula kay Jose Calderon at isinalpak ang kanyang tres sa left corner.
Sa Memphis, TennesÂsee, kumana si reserve Reggie Jackson ng personal playoff-best 32 points at natakasan ng Oklahoma City Thunder ang Grizzlies, 92-89 sa overtime at itabla ang kaÂnilang serye sa 2-2.
- Latest