Monday race suportado ng bayang karerista

MANILA, Philippines - Sinuportahan ng bayang karerista ang Monday race na ginawa sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Ca­vite.

Ito ang unang Monday race sa nasabing bakuran at pumalo ang sales sa walong karera sa P21,079,237.

Lahat ng walong karerang inihandog ay mainitang pinaglabanan dahil lahat ay may added prizes na hina­ti sa dalawang nangunang kabayo.

Lumabas ang kabayong Strike at Sunrise bilang de­hadong kabayo na nakapanggulat matapos manalo sa 1,200-meter race eight.

Unang panalo ito ng Strike At Sunrise sa buwan ng Abril at naghatid ang win ng P42.50, habang ang 5-4 forecast ay mayroong P102.00 dibidendo.

Ang Emergency Call ang pinakaliyamado na ku­mi­nang sa pagtatapos ng tatlong sunod na karera.

Nahigitan ng kabayong sakay ni JB Guerra ang pangalawang puwestong pagtatapos noong Abril 11 nang manalo sa Cheskaz Magic tungo sa pagbigay ng P6.50 sa win at P40.50 sa 6-4 forecast.

Nagwagi din ang Wow Ganda sa 1,300-metro ka­re­rang nagbigay ng P22.50 sa win at P174.50 ang di­bi­dendo sa 3-5 forecast.

 

Show comments