Jumbo sumosyo sa 2nd place

MANILA, Philippines -  Lumabas ang  tunay na laro ng Blackwater Sports sa ikatlong yug­to ­tungo sa 89-74 tagumpay sa Hog’s Breath Café  sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa JCSGO Gym, Cubao, Quezon City.

Gumawa ng 15 puntos si Reil Cervantes, habang si Don Trollano ay nag-init sa ikatlong yugto para pagningasin ang 31-12 palitan at tuluyang iwan ang Razorbacks.

May dalawang tres si Trollano upang suporta­han ang inside game nina Cervantes at Narciso Llagas at matapos ang ikatlong yugto ay kampante nang nasa unahan ang nag­dedepensang kampeon sa 69-51.

Si Llagas ay naghatid ng 10 puntos at si Trollano ay may walo para sa Elite na sinaluhan ang Boracay Rum Waves sa ikaapat at limang puwesto.

Nanatili ang Jumbo Plastic sa ikala­wang puwesto nang lusutan ang Cagayan Valley, 70-64, sa unang laro.

Naipasok ni Jan Coli­na ang natatanging  tres sa laro para tabunan ng Giants ang 62-64 iskor.

Nagkaroon ng kaguluhan matapos ang laro nang biglang suntukin ni Jason Melano ang 6’4 na si Colina bago tumakbo sa dugout ng Rising Suns.

Naawat naman si Co­lina ng ibang tao sa pag­ha­bol kay Melano.

May 14 puntos si Je­rick Canada at may tig-13 sina Elliot Tan at Jeff Vier­nes para sa Giants.

(ATan)

Jumbo Plastic 70 – Ca­nada 14, Tan 13, Viernes 13, Colina 9, Parala 7, Villamor 4, Ballesteros 3, Petilos 3, Magat 2, Custodio 2.

Cagayan Valley 64 – Vidal 16, Ighalo 11, Collado 11, Daquioag 9, Webb 8, Me­lano 5, Casejeros 4, Revilla 0, Bangga 0, Galliguez 0, Suguitan 0.

Quarterscores: 10-9, 28-32; 50-50; 70-64.

Blackwater Sports 89 – Cervantes 23, Bulawan 14, Llagas 10, Trollano 8, Cruz 8, Ferrer 6, M. Cruz 5, Mangahas 5, Austria 4, Manguera 2, Pe 2, Pinto 2.

Hog’s Breath Café 74 – Racal 18, Publico 11. Aus­tria 10, Ruaya 9, Gaba­wan 8, Rios 5, Belencion 4, Sa­nga 4, Najorda 3, Avilla­noza 2, Terso 0, Robles 0, Ma­casaet 0.

 Quarterscores: 27-16, 38-39, 69-51; 89-74

Show comments