HOLLYWOOD – Kung mabibigyan ng pagÂkakataon ay gusto ni boÂxing superstar Manny PacÂquiao na makapaglaro sa PBA.
“Maglalaro ako sa PBA,†deklarasyon ni PacÂquiao.
Kung sakali ay ang 35-anyos na si Pacquiao ang magiging pinakamaÂtandang rookie na maglaÂlaro sa PBA, ang unang proÂfessional basketball league sa Asya.
At sa taas na 5’6 ½ ay maaaring siya rin ang maÂging pinakamaliit na plaÂyer sa professional league.
Ayon kay Pacquiao, balak niyang maglaro sa isa sa tatlong expansion teams – Ever Bilena, NLEX at Kia - na inaÂÂprubahan ng PBA simula sa susunod na season.
Ang Kia ay nasa ilalim ng Columbian Motors, at sinasabing may mga kaiÂbigan si Pacquiao sa naÂturang kompanya na maÂaaring tumugon sa kaÂhilingan ng Sarangani ConÂgressman.
Si Pacquiao ay isang basÂketball addict.
Maaari siyang maglaro ng basketball araw-araw.
Sa katunayan sa kanyang training camp para sa rematch niya kay TiÂmothy Bradley, Jr. ay nagÂlalaro si Pacquiao ng basÂketball kada linggo bilang bahagi ng kanyang cross-training.
“Maganda ang basketball. Magandang exercise. Lalo na sa footwork,†wiÂka nito.
Sa kanyang mansyon sa General Santos City ay nagtayo si Pacquiao ng isang basketball court.
“Araw-araw basketball,†wika ng boxer, bumuo ng sarili niyang basÂketÂball team para sa mga local competitions na kiÂnaÂbibilangan ng ilang reÂtiÂradong PBA players.
Si Roy Jones, ang daÂting world champion, ay minsan nang naglaro para sa isang professional team at ibinahagi ang kanyang interes sa Filipino fighter sa paglalaro ng professioÂnal basketball.
Ilang beses nang dinaÂlaw si Pacquiao ng ilang sikat na NBA plaÂyers sa kanyang locker room maÂtapos ang laban.
Ilan sa mga hinahaÂngaÂan ni Pacquiao ay sina Allan Caidic, Samboy Lim, NelÂson Asaytono at Bal David.
Kung mangyayari ang kanyang balak ay inaasahang tatayong point guard ng Kia si Pacquiao, gagamit ng No. 17 jersey.
“It’s my birthday,†sabi ni Pacquiao. (ACordero)