San Miguel Beer nais makasiguro sa No.2
MANILA, Philippines - Sa pagkatalo ng San Mig Coffee sa Meralco noong Lunes ay ang nagdedepensang Alaska na lamang ang kaagawan ng San Miguel Beer sa No. 2 berth sa quarterfinal round.
Kaya naman hindi na sasayangin ng Beermen ang pagkakataong makamit ang No. 2 seat na may taglay na ‘twice-to-beat’ incentive sa pamamagitan ng panalo sa Air21 Express ngayong alas-8 ng gabi sa 2014 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Natalo ang Mixers sa Bolts, 78-88 kamakalawa na nag-iwan sa pag-aagawan ng Beermen at Aces sa No. 2 ticket sa quarterfinals.
Makakamit ng San Miguel Beer ang No. 2 berth kung mananalo sila sa Air21.
Magkakaroon lamang ng komplikasyon kung matatalo ang Beermen sa Express at mananaig ang Aces, nasa isang four-game winning streak, sa Mixers sa Linggo na magreresulta sa kanilang playoff.
“I don’t think we really addressed it in terms of getting twice-to-beat, but we’re focusing on the next game against Air21,†sabi ni American ‘coaching cosultant’ Todd Purves.
“If we can take care of the next game, then those types of things can work out. We’re positioning ourselves, because we’re not done yet with elimination round,†dagdag pa nito.
Ang Talk ‘N Text ang unang koponang umangkin sa No. 1 berth kasama ang ‘twice-to-beat’ bonus sa quarterfinals laban sa magiging No. 8 team.
Nagmula ang Beermen sa 97-88 panalo sa Mixers noong Abril 12, samantalang nasa isang two-game losing skid naman ang Express.
Muling aasahan ng SMBeermen sina import Kevin Jones, 2013 MVP Arwind Santos, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Sol Mercado at Chris Lutz.
- Latest