Pacquiao-Mayweather fight May pag-asang mangyayari
MANILA, Philippines - Ang magarang panalo na naitala ni Manny Pacquiao kay Timothy Bradley ay nagpapatunay na karapat-dapat siya na ma-ging kalaban ng kasaluku-yang pound for pound king na si Floyd Mayweather Jr.
Ito ang tinuran ng respetadong Ring Magazine editor Michael Rosenthal na naniniwalang magaganap din ang pagtutuos sa ring nina Pacquiao at Mayweather.
Kahit si Rosenthal ay hindi makapaniwala sa ipinakitang galing ng 35-anyos na si Pacquiao na pinaniniwalaang pababa na ang boxing career matapos ang dalawang dikit na pagkatalo noong 2012. Kasama rito ang knockout loss kay Juan Manuel Marquez matapos ang split decision na kabiguan kay Bradley sa kanilang unang paghaharap.
“At best, this was a 50-50 proposition for Pacquiao,†pahayag ni Rosenthal. “And what did the old man do? He turned in a dominating performance, winning a one-sided decision that no one - including Bradley - would dispute.â€
Ang ipinamalas na bilis at lakas ng suntok ang nagpatibay uli sa paniniwala ng nakararaming mahihilig sa boxing na si Pacquiao lamang ang tunay na katapat ni Mayweather.
“Pacquiao’s performance on Saturday removed as doubt as to whether he is a viable opponent for Mayweather,†dagdag nito.
Matatandaan na nasabi ni Mayweather na dapat patunayan ng mga boksingerong nais siyang makalaban, na karapat-dapat ang mga ito para maikonsidera niya.
Idinagdag pa ni Rosenthal na hanap ng WBC welterweight champion na makilala bilang boksingerong nagkaroon ng pinakamalaking kinita sa isang laban at mangyayari lamang ito kung si Pacman ang kalaban. (AT)
- Latest