^

PM Sports

Hindi magbabago ang misyon ng NLEX

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Alam ng mga manlalaro ng NLEX Road Warriors ang kanilang misyon kaya kahit iba ang humahawak sa koponan ngayon ay hindi nagbabago ang inilalaro ng mga ito.

“The team knows our goal,” wika ni Mon Celis na siyang dumidiskarte ngayon sa Road Warriors dahil nasa Lithuania ang head coach na si Boyet Fernandez kasama ang San Beda para sa training.

Galing sa 88-67 pagdurog sa Café France sa hu-ling laro, masusukat ang husay ng NLEX sa ilalim ni Celis sa pagharap sa inspiradong Cagayan Valley Ri-sing Suns sa dakong alas-2 ng hapon.

Tatlong laro ang matutunghayan sa JCSGO Gym sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup ngayong hapon at unang laro ay sa pagitan ng nagdedepensang kampeong Blackwater Sports Elite at Derulo Accelero Oilers sa ganap na ika-10 ng umaga at susundan ng laban ng Hog’s Breath Café Razorbacks at Jumbo Plastic Giants dakong alas-12 ng tanghali.

Ikalimang sunod na panalo ang nakataya sa NLEX laban sa Rising Suns na galing sa dalawang dikit na tagumpay para matabunan ang 0-2 start.

Ikalawang sunod na panalo ang balak tuhugin ng Elite sa Oilers na gustong tapusin ang apat na sunod na kabiguan habang babalakin ng Giants ang saluhan uli ang Cebuana Lhuillier Gems sa ikalawang puwesto (3-1) kung mananalo sa Razorbacks.

 

BLACKWATER SPORTS ELITE

BOYET FERNANDEZ

BREATH CAF

CAGAYAN VALLEY RI

CEBUANA LHUILLIER GEMS

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

DERULO ACCELERO OILERS

JUMBO PLASTIC GIANTS

ROAD WARRIORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with