NBA Preseason games sa China at Brazil

NEW YORK  -- Lalaro si Cavaliers center Anderson Varejao ng NBA game sa kanyang pinagmulang Brazil sa unang pagkakataon sa pagharap ng Cleveland sa Miami Heat sa isang exhibition game sa October.

Inihayag ng NBA ang limang international preseason games nitong Huwebes kung saan magsasagupa rin ang Brooklyn Nets at Sacramento Kings ng dalawang beses sa China sa Oct. 12 sa Shanghai at sa Oct. 15 sa Beijing.

Kakalabanin din ng Spurs ang dalawang Euroleague Basketball teams. Haharapin ng San Antonio ang eight-time German champion Alba Berlin sa Berlin sa Oct. 8 at five-time Turkish champ Fenerbahce Ulker Istanbul sa Istanbul sa Oct. 11. Ang Cavs-Heat matchup ay sa Oct. 11 sa Rio de Janeiro.

Susunod na ihahayag ng NBA ang regular-season international games para sa 2014-15 na bahagi ng kanilang kagustuhang i-promote ang liga sa buong mundo.

Show comments