Importante sa PBA ang April 9, hindi dahil ito ay Araw ng Kagitingan, kundi dahil ito ang araw ng kanilang kapanganakan tatlumpu’t siyam na taon na ang nakalilipas.
Hindi kataka-taka kung hindi napansin ng maÂraming PBA fans sa kadahilanang hindi naman nagÂhanda ng bonggang selebrasyon ang liga.
Nakaraos ito sa paraan nang simpleng pagra-raffle ng maraming premyo during breaks sa double-header sa nasabing araw.
Ikinakasa ang engrandeng selebrasyon sa kaÂniÂlang parating na ika-40 anibersaryo.
Ngunit kahit sa puntong ito, marami ng ekspekÂtasyon ang PBA leaders sa landas na kanilang tataÂhakin sa mga susunod na taon.
“The future of the league is bright. Over the past four years and this season, we have built a sound foundation for the continuing and sustained success of the PBA,†ani current PBA board chairman Mon Segismundo.
Nagbanggit naman si PBA Commissioner Chito Salud ng sampung bagay na kumpiyansa siya na maÂkakamit ng liga:
Una, pagkakaroon ng labing-dalawa hanggang laÂbing-apat na member ball clubs.
Pangalawa, anim na powerhouse teams na magiÂging modelo ng ibang koponan.
Pangatlo, mga batang manlalaro na nagtataglay ng ibayong lakas at tulin na magdadala ng pressure paÂra sa mga koponan na bantayan ang balanse sa paÂgitan ng mga beterano at mga batang manlalaro, experience at lightning bolt youth energy.
Pang-apat, mga coaches na nagtataglay ng mas maÂlalim na international coaching strategies.
Pang-lima, world-class training para pag-ÂibaÂyuhin ang skills at stamina ng mga manlalaro.
Pang-anim, mas maraming pagbisita ng liga abÂroad kung saan maaari silang umakit ng rehiyonal o internasyonal na fan interest.
Pang-pito, regional broadcast coverage sa mga piÂling lugar kung saan ang mga tao ay sobra rin ang pagÂkahilig sa basketball.
Pang-walo, international stints ng PBA players sa ibang foreign teams.
Pang-siyam, dagdag na commercial opportuniÂties para sa mga koponan kasabay sa patuloy na pag-angat ng popularidad ng liga.
At pang-sampu, liga na para sa mga Filipino nguÂnit may regional at global appeal.
Mabuhay ang PBA!