Dumars magbibitiw sa detroit pistons

DETROIT -- Inaasahang magbibitiw si Joe Dumars bilang general manager ng Detroit Pistons.

Si Dumars, naglaro para sa nasabing prangkisa katambal si Isiah Thomas sa backcourt, ay naging presidente ng basketball operations ng Detroit noong 2000 at naging bahagi ng Pistons sa loob ng 29 taon.

Bago ang 2013-14 season, kinuha ng Pistons sina forward Josh Smith at point guard Brandon Jennings para makatuwang nina Andre Drummond at Greg Monroe.

Ang resulta nito ay ang kanilang 28-49 record.

Nabigo si Dumars na makakuha ng mahusay na head coach na naglubog sa Pistons.

Show comments