^

PM Sports

Power Pinoys sasagupa sa South Gas Club

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinapanalangin ni Po­­wer Pinoys’ head coach Francis Vicente na hin­di makukuntento ang kanyang manlalaro matapos makuha ang unang panalo sa Asian Men’s Club Volleyball Championship sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“Hindi dapat makuntento. Hindi dapat mag-re­lax at dapat ay work hard pa rin,” wika ni Vi­cente matapos kunin ng koponan ang unang pa­nalo sa Group A sa ma­garang 25-13, 25-23, 25-16 panalo sa Mongolia noong Martes.

Balik-aksyon ang ko­ponang suportado ng PLDT Home TVolution at sa ganap na alas-12 ng tanghali ay susukatin ang mas malakas na South Gas Club Sports ng Iraq.

Ang makukuhang panalo ang pormal na magpapasok sa home team sa quarterfinals sa ligang may ayuda ng PLDT Home Fibr at inorganisa ng Sports Core katuwang ang Philippine Volleyball Federation.

“Kulang pa tayo sa bi­lis kaya dapat na bilisan pa natin at mas maging ag­resibo dahil wala ta­yong height. Kailangang i-push pa ang mga bata,” dagdag ni Vicente.

Ang husay ni Austra­lian spiker Cedric Legrand ang sa­san­­dalan ng koponan ni Vi­cente ma­tapos ang 18 puntos na ki­natampukan ng 13 kills, na ginawa laban sa Mongolia. (ATan)

vuukle comment

ASIAN MEN

CEDRIC LEGRAND

CLUB VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

FRANCIS VICENTE

GROUP A

HOME FIBR

MALL OF ASIA ARENA

PASAY CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with