Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
2 p.m. SWU vs Ateneo
4 p.m. UST vs FEU
Palalakasin muli ng UAAP champion Ateneo Lady Eagles ang laban paÂra sa puwesto sa seÂcond round sa pagsukat sa namemeligrong SouthÂwestern University Lady Cobras sa Shakey’s V-League Season 11 First ConÂference ngayon sa The Arena sa San Juan CiÂty.
Unang laro sa ganap na ika-2 ng hapon gagawin ang labanan at nais ng Ateneo na makabaÂngon mula sa 25-21,16-25, 25-17, 20-25, 13-15 pagÂkatalo sa Arellano LaÂdy Chiefs sa huling laro tungo sa 1-1 baraha sa Group A.
Ininda ng koponan ang pagkakaroon ng 41 errors para mabigong dugÂtungan ang unang paÂnalo na kinuha sa Adamson.
Dapat na manumbalik ang gilas ng paglalaro ng Lady Eagles dahil nahaharap sa must-win ang CESAFI champion na Lady Cobras.
Sa 1-3 baraha, kasama ang tatlong sunod na pagÂkatalo, kailangan ng SWU na maigupo ang maÂlakas na hamon ng AteÂneo para manatiling paÂlaban sa puwesto sa suÂsunod na yugto sa ligang inorganisa ng Sports ViÂsion katuwang ang ShaÂkey’s.
Ang UAAP season at Finals MVP Alyssa ValÂdez ang siyang aatakeng muÂli. (ATan)