Nets pasok sa playoffs
NEW YORK – Nakasiguro ang Brooklyn Nets ng playoff berth nang kanilang igupo ang Houston Rockets sa unang pagkakataon sa loob ng 8-taon nang umiskor si Joe Johnson ng 32-points sa 105-96 panalo nitong Martes.
Nagdagdag si Shaun Livingston ng 17-points para sa Nets na hinatak ang kanilang home winning streak sa 14-games na siyang nangunguna ngayong season ng NBA.
Nakalapit din sila sa Toronto Raptors at Chicago Bulls para sa No. 3 seed sa Eastern Conference.
Tinapos ng Nets ang 14-game losing streak kontra sa Houston mula pa noong March 13, 2006 sa pamamagitan ng kanilang panalo. Hindi natalo ng Nets ang Rockets sa sari-ling balwarte sapul noong March 31, 2003 nang naglalaro pa sila sa East Rutherford New Jersey.
Gumawa naman si Stepen Curry ng Golden State ng tiebreaking jump shot sa huling maiinit na segundo ng overtime upang ihatid ang Warriors sa 122-120 panalo kontra sa Dallas Mavericks.
Tumapos si Curry ng 23-points at 10-rebounds habang pinangunahan ni Klay Thompson ang Golden State sa kanyang 27-points at nagdagdag si Jermaine O’Neal ng 20-puntos.
Pinangunahan ni Dirk Nowitzki ang Dallas sa kanyang 33-points at 11-rebounds. May 16-puntos siya sa 41 points ng Dallas sa se-cond quarter.
Sa Los Angeles, umiskor si Damian Lillard ng 34-points at may 31-points si LaMarcus Aldridge bukod pa sa 15-rebounds nang igupo ng Portland ang L.A. Lakers.
Ang ikaapat na sunod na panalo ng Blazers kasabay ng pagkatalo ng Houston sa Brooklyn ang naglapit sa Rockets sa fourth place sa Western Conference na magkakaroon ng home-court advantage sa opening round ng playoffs.
Ang Rockets ay may natitira pang tatlong laro.
- Latest