Brooklyn nakalapit sa playoffs
NEW YORK – Umiskor si Paul Pierce ng 22 points nang makalapit ang Brooklyn Nets sa playoff spot matapos igupo ang Minnesota Timberwolves 114-99 nitong Linggo para sa kanilang club record-tying 13-sunod na home victory.
Nagtala si Pierce ng 16 sa first quarter at hindi rin nagmintis ng tira. Nagdagdag si Joe Johnson ng 19 points para sa Nets na makakasiguro ng playoff spot kapag natalo ang New York Knicks sa Golden State sa Linggo.
Naka-tie ang Brooklyn sa pinakamahabang home winning streak sa NBA ngayong season at naitala nila ang best record sa kasaysayan ng kanilang prangkisa.
Sina Corey Brewer at Kevin Martin ay umiskor ng tig-21 puntos para sa Timberwolves na nanalo ng dalawang sunod at nakapagtala ng franchise-record na 143 points nang ilampaso ang Lakers noong Biyernes.
Sa Cleveland, umiskor si Dion Waiters ng 19 points at nagdagdag si Luol Deng ng 15 nang pinanatiling buhay ng Cleveland Cavaliers ang kanilang tsansa sa playoff matapos ang 90-76 panalo kontra sa Indiana Pacers na alanganin na ang kapit sa No. 1 seed ng Eastern Conference.
Nagtala si Tristan Thompson ng 16 rebounds nang tapusin ng Cavs ang kanilang nine-game losing streak kontra sa Indiana.
Patungo sa huling pitong laro, anim kontra sa mga napagtatalong teams, may tsansa pa ang Cavs.
Sa Oklahoma City, nagtala si Kevin Durant ng 31 points at 9-assists upang tulungan ang Thunder na igupo ang Utah Jazz, 116-96.
Ito ang ika-38 game ni Durant na umiskor ng 25-puntos o higit pa.
- Latest