Aces binalasa ang Beermen
MANILA, Philippines - Sapat na ang isang 13-0 atake sa dulo ng fourth quarter para wakasan ng Aces ang tatlong dikit na pagkamada ng Beermen.
Nagtuwang sina 2013 Best Import Rob Dozier, JVee Casio, Cyrus Baguio at RJ Jazul sa huling tatlong minuto ng laro para sa 89-78 paggiba ng nagÂdeÂdepensang Alaska sa San Miguel Beer sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Alonte Sports Center sa Biñan, Laguna.
Ito ang ikalawang suÂnod na arangkada ng Aces ni coach Luigi Trillo paÂra makasalo sa ikaapat na puwesto ang Meralco Bolts at Air21 Express.
Tumapos si Dozier na may 20 points at 20 rebounds.
Naglista din si Dozier ng perpektong 10-of-10 shooting sa free throw line.
Sa kabila naman ng kaÂÂbiguan ay nanatili ang BeerÂmen sa pangalawang posisyon.
Ang layup ni guard Sol Mercado para sa kanilang 78-76 abante ang siyang naging huling puntos ng San Miguel.
Nagsanib ng puÂwersa sina Dozier, Casio at BaÂguio para akayin ang Alaska sa 84-78 abante sa huling 2:07 minuto ng fourth quarter.
Nabigo pa ring makapuntos ang Beermen na nagresulta sa apat na sunod na free throws nina JaÂzul at Baguio para sa isang 10-point lead, 88-78, ng Aces sa natitirang 30.8 segundo.
Samantala, itatampok ng Rain or Shine ang bagong import na si Wayne Chism bilang kaÂpaÂlit ni Alex McLean.
Makakaliskisan ang 6-foot-8 na si Chism sa kaÂÂnilang pagharap sa miÂnamalas na GloÂbalport buÂkas sa Big Dome.
Bukod kay Chism, isang bagong reinforcement din ang ipaparada ng Meralco sa pagharap sa Barangay Ginebra sa MiÂÂyerkules.
Ipinalit ng Bolts si DarÂnell Jackson kay 6’10 Brian Butch.
Noong nakaraang lingÂgo pa dumating sa banÂsa si Jackson para palitan si Butch.
Nanggaling ang MeÂralco sa kabiguan at iiwas na malasap ang kanilang ikalawang sunod na kamalasan sa pagsagupa sa bumubulusok na Ginebra sa Miyerkules.
- Latest