MANILA, Philippines - Naisantabi ng NLEX ang pagkawala ng mala-king kalamangan habang naipamalas ng Café France ang tibay sa overtime para makuha ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Trini-ty of Asia Gym.
Bumira ng limang sunod na puntos si Kevin Alas matapos agawin ng Boracay Rum ang 82-80 kalamangan tungo sa 103-94 panalo.
Tumapos si Alas bitbit ang nangungunang 19 puntos at 10 assists pero gumanda rin ang laro nina Garvo Lanete at Matt Ganuelas sa huling yugto upang manalo ang Road Warriors kahit nakabangon ang Waves mula sa 54-38 halftime kalamangan.
“Nagkumpiyansa. Pero ang maganda, hindi bumigay sa huli,†wika ni NLEX coach Boyet Fernandez.
Si Mark Belo ang nagtala ng pinakamaraming puntos sa lahat ng naglaro sa 26 marka pero kulang ito para pigilan ang pag-lasap ng unang kabiguan matapos ang dalawang laro ng Waves.
Sumandal sa matibay na depensa ang Bakers tu-ngo sa 84-81 overtime win sa kinapos na Hog’s Breath Café sa ikalawang laro.
Hinawakan na ng Razorbacks ang 81-77 kalamangan pero napako na sila rito.
Ang Kenyan center na si Rodrigue Ebondo na tumapos taglay ang 22 puntos, ay umiskor sa follow-up para maitabla ang iskor sa 81, bago bumanat ng jumper si Mac Montilla matapos ang error ni Kevin Racal tungo sa ikalawang sunod na panalo.
May 18 puntos si Montilla katulad ng ginawa ni Rocky Acidre habang si Jam Cortes ay may 16 para sa nanalong koponan.