LARO NGAYON
(The Arena, San Juan)
2 p.m. Ateneo vs Adamson
4 p.m. NU vs Perpetual
MANILA, Philippines - Ipapamalas ng nagdeÂdepensang kampeong NaÂtional University at UAAP titlist Ateneo ang kaÂnilang porma sa pagsiÂsimula ng Shakey’s V-League Season 11 First ConÂference ngayon sa The Arena sa San Juan CiÂty.
Kalaro ng Lady Bulldogs ang NCAA champion na Perpetual Lady Altas sa alas-4 ng hapon maÂtapos ang tagisan ng Ateneo Lady Eagles at Adamson Lady Falcons sa alas-2.
Ang opening cereÂmoÂny ay gagawin sa ala-1 ng hapon at dadaluhan ito ng mga opisyales ng nagÂ-oorganisang Sports ViÂÂsion sa pangunguna ng pangulong si Ricky Palou at chairman MoÂying Martelino at ang tagapagtaguÂyod na Shakey’s sa pamumuno ni EVP at COO Vic Gregorio.
May 12 koponan ang magtatagisan sa confeÂrence na ito na siyang piÂnakamalaki sa kasaysaÂyan ng liga.
Sa kauna-unahang pagÂÂkakataon ay may koÂpoÂnan ding kakatawan sa Luzon, Visayas at MinÂdanao para samahan ang mga NCR teams.
Ngunit ang mata ngaÂyon ay nakapukol sa Lady Bulldogs at Lady Eagles matapos ang kinalabasan ng kampanya sa UAAP.
Ang NU ay naghahaÂngad na maidepensa ang titulo para pawiin ang kabiguang inabot sa UAAP nang matalo ang second seed ng dalawang sunod sa Ateneo.
Ang mga matatangkad na sina Dindin at Jaja Santiago ang manguÂnguna sa laban ng koponan ngunit hindi sila puwedeng magkumpiyansa dahil pagsiÂsikapang pangatawanan ng Lady Altas ang pagiÂging pinakamahusay na koÂponan sa NCAA.